Contact us

Mag Tagalog Tayo (tuwing umaga!)

roadrunner

Member
Joined
June 4, 2011
Posts
385
^Totoong-totoo. ;) Mukhang may pag-asa pang maging mas mabuti yung ibang mga nabanggit dun sa 20 reasons why I dislike Philippines pero yung tungkol sa pagsunod sa mga batas trapiko, parang mahirap lalo na kung tuloy lang ang you'll-get-by-with-"lagay" system. Yung sa pagbubusina, nakakairita nga talaga kasi pang-emergency lang talaga dapat yun pero nakasanayan na rin kasi. :)

:shock: Tinanggal na yata yung videos. :( Na-feature nga yata sa balita kanina yung naunang video pero di ko naabutan. Sigurado, negatibo yung reaksyon dito pero sana naging wake up call na lang yun para sa pagbabago.
 

r3gg13

Well-known member
Joined
December 23, 2010
Posts
10,261
Location
Westchester - Los Angeles
Dapat talaga na wake up call sya eh. Lalo na ngayon na lalong sumisikat ang Pinas na destination ng bakasyon. Dahil, di naman sya mahirap baguhin, kailangan lang talaga mag effort ang mga tao. i.e. sa pag disiplina na hindi mag kalat, at disiplina sa traffic.

Sigurado ako marami nang nagalit sa mga videos nayan. Pero ako, ayos lang sya saakin, kasi pag nag babakasyon kami sa Pinas pansin din namin ang mga parehong kondisyon. Di sa nang mamaliit ako, pero kaya ng Pinas na mas ayusin pa ang kondisyon. Kailangan lang ng mas malaking wake up call sa tingin ko

Anyway, yung simula ng kanta ni Maya Sar ay para nung unang linya ng lyrics ng kantang to (nandyan ka nanaman= korake ti znam :lol:)
 

roadrunner

Member
Joined
June 4, 2011
Posts
385
Haha, pareho nga ang impact ng unang linya! Sana inulit din yung nandyan ka nanaman sa huli tulad sa korake ti znam. :lol:

Naabutan ko sa balita kaninang umaga yung reaksyon ng DOT sa video na yun at ang sabi ay gusto pa nga raw nila malaman kung ano ang mga kailangang baguhin para mapabuti pa ang bansa. Sana hindi "ningas kugon" ang atensyon nila rito. xshrug
 

r3gg13

Well-known member
Joined
December 23, 2010
Posts
10,261
Location
Westchester - Los Angeles
Jejejejeje :lol: nagiging isa naakong jemonyo xrofl3. Anyway, yeah, bagay talaga sa dulo :lol:. Ang dating saakin nung kanta ay very understated at very simple.

Nako, baka nga di nila gawan ng solusyon, kalungkot mang sabihin pero minsan hangang salita lang ang gobierno sa Pinas :(. Pero sana ayusin nila. Ang mga Azkals kasi ang inaatupag ng media ngayon eh :lol:. Ano bayon, haharap ka sa opisyal ng Fifa na naka underwear lang?!? Nakakabastos naman :S
 

roadrunner

Member
Joined
June 4, 2011
Posts
385
Oo nga eh, nakakabastos talaga yun. :( Tapos ang dating pa sa akin, nag-issue na nga sila ng apology pero hindi nila direktang inaamin yung ginawa nila. Mukha namang di lang gumagawa ng eksena yung babaeng nagreklamo eh.
 

r3gg13

Well-known member
Joined
December 23, 2010
Posts
10,261
Location
Westchester - Los Angeles
Yeah, may dating din na ganun kasi parang pinalaki nya masyado yung issue, pero saakin onting respeto naman sa opisyal ng FIFA at tama din na ipamuka nya sa mga Azkals na mali ang ginawa nila. Kung di nila marespeto ang isang kababayan nila ngayon na di pa sila ka sikat, pano pa kung sumikat na sila ng parang si Pacquiao. :(
 

roadrunner

Member
Joined
June 4, 2011
Posts
385
Baka magpinsan sila! xrofl3 Pasahan season nga ngayon, gaya ng sabi mo dun sa isang thread, kaya medyo aligaga ako. :lol: Lapit na pala ng Semana Santa.
 

r3gg13

Well-known member
Joined
December 23, 2010
Posts
10,261
Location
Westchester - Los Angeles
Bahahaha, sobrang panalo diba!?! :lol: Ako, kakatapos ko lang sa pasahan at sunugan ng kilay :lol:. Ngayon bawian ng tulog na :lol:. Gagala ka sa Semana Santa? Bora? Baguio? Abroad? :D
 

r3gg13

Well-known member
Joined
December 23, 2010
Posts
10,261
Location
Westchester - Los Angeles
Hindi, malayo, bibisita lang ako sa isang kaibigan sometime this week. Wala masyadong oras at kailangan mag tipid para sa summer at next school year eh :)

May bago akong hirit, Si SoEn Heussaff ba ang mayari ng SOEN?
 

r3gg13

Well-known member
Joined
December 23, 2010
Posts
10,261
Location
Westchester - Los Angeles
Talaga! Kaexcite talaga :D

Kaso may klase ako ng 11ng umaga dito eh :( kaya mga 12:40 pa ako makakanood ng semi. Sana maabutan ko pa yung results part, kahit yun lang mapanood ko ng live masaya na ako :)
 
Top Bottom