Contact us

Mag Tagalog Tayo (tuwing umaga!)

r3gg13

Well-known member
Joined
December 23, 2010
Posts
10,261
Location
Westchester - Los Angeles
Re: Magsalita tayo ng wikang Tagalog!

Kainggit naman :p xrofl3

Hindi masiyadong sineselebra dito eh, kahit maraming decorations at kung anonong ng liline ng streets at skyline, yung mga tao di kasing-spirited ng mga Pinoy pag dating sa Pasko. Parang wala lang sa kanila, merong regalo pero more or less parang normal lang na araw sa kanila ang Pasko :lol:

Mas umiinit daw dyan ngayon sabi ng lola ko rin kumpara sa mga previous years. Baka marami masyadong mga "maiinit ang pasko" this year xrofl3 xrofl3

Well anyway, Maligayang Pasko!

Masaya din ako dun sa mga naanounce na na mga singers para sa ESC :D. Excited ako dahil kay Anggun at kay Maya Sar :D
 

roadrunner

Member
Joined
June 4, 2011
Posts
385
Re: Magsalita tayo ng wikang Tagalog!

Maligayang Pasko rin! :D

Nakaka-excite nga ang ESC eh, nagulat lang ako na ang daming nag-internal selection ng singers. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka umarangkada yung ibang Balkans. :)


Gusto ko lang i-share 'to, nakakatawa kasi xrofl3
 

r3gg13

Well-known member
Joined
December 23, 2010
Posts
10,261
Location
Westchester - Los Angeles
Re: Magsalita tayo ng wikang Tagalog!

Sa tingin to tatambak sa top 10 ang mga Balkans ngayong taon. I'm more than sure na yung pinaka mahuhusay na singers ang pamato nila. Pero, meron akong hesitations sa Slovenia at Croatia (pero mas mataas ang kumpiansa ko na mas ok ang song at singer nila).

Excited din ako kung sino ang magiging singer ng Portugal, sila ang all time fave ko sa ESC. Laging underrated at laging talo xrofl3. Pero diba, pag may tiyaga may nilaga xrofl3

OMG, sobrang nakakatawa si Vangie: "Girlfriend weeeeh... yes ka dyan" xrofl3 "is that Jhobert with an "h"" "mwa mwa chup chup jejejejejejejejeje" xrofl3 xrofl3
Sana may ganyan talaga na app, sobrang kaloka :lol:

Sobrang lafftrip ako di to sa "Dating Daan" na segment sa Bubble Gang


xrofl2 xrofl2
 

roadrunner

Member
Joined
June 4, 2011
Posts
385
Re: Magsalita tayo ng wikang Tagalog!

Grabe, wala na yatang makakatalo sa Bubble Gang eh. xrofl3 Tsaka lang ako bibili ng iPhone kung may Vangie na talaga. =)) (palusot ng walang pera)

Oo nga, underrated ang Portugal. Gusto ko na sila makitang manalo. :D




Isang manigong bagong taon sa'yo! xcheers Ang exciting ng 2012!
 

r3gg13

Well-known member
Joined
December 23, 2010
Posts
10,261
Location
Westchester - Los Angeles
Re: Magsalita tayo ng wikang Tagalog!

Talagang talaga! Sa tingin ko, kahit anong effort ng 2 at 5 (di ko pa napapanood kahit anong show ng 5) di talaga nila matatalo ang Bubble Gang.

Tara, sulat tayo sa app developers sa Pinas ng isang bonggang bonggang suggestion :lol:. Eh, ako sinauna pa yung cell phone ko, lam mu yong Samsung na touch screen pero kahit dukdukin mo na yung screen di pa nag rerespond :lol: Next month plano ko nang mag palit ng phone kasi medyo sira na yung phone ko at tsaka mageexpire na yung contract ko sa AT&T.

ano naman ang kumento mo sa Suus. Ako, napapasuusmaryosep ako dun sa high notes at sa birit ni Rona xrofl3. Pero otherwise, maganda yung arrangement nung kanta, very unique at mahirap makalimutan!

Isang manigong bagong taon din sa'yo! xcheers
 

roadrunner

Member
Joined
June 4, 2011
Posts
385
Re: Magsalita tayo ng wikang Tagalog!

Tara, sulat tayo sa app developers sa Pinas ng isang bonggang bonggang suggestion :lol:. Eh, ako sinauna pa yung cell phone ko, lam mu yong Samsung na touch screen pero kahit dukdukin mo na yung screen di pa nag rerespond :lol:

Naku, sobrang mabenta siguro kapag nagkatotoo yung Vangie na yan. :lol: Wow, Samsung din yung sa akin pero medyo bago pa naman, mapagtiyatiyagaan pa.

ano naman ang kumento mo sa Suus. Ako, napapasuusmaryosep ako dun sa high notes at sa birit ni Rona xrofl3. Pero otherwise, maganda yung arrangement nung kanta, very unique at mahirap makalimutan!

Suusmaryosep! xrofl3
Medyo sa birit lang naman siguro mamromroblema yung kanta eh, maganda naman kasi yung arrangement. Sana lang talaga ayusin yung birit para hindi magmukhang sinisigaw lang yun ni Rona. Very unique nga, tapos ang emosyonal pa. :D
 

r3gg13

Well-known member
Joined
December 23, 2010
Posts
10,261
Location
Westchester - Los Angeles
Sa tingin ko ok naman ang magiging final arrangement nung kanta, kasi never pa na naging mas pangit yung final version ng Albanian entry kumpara sa FiK entry. I guess, personal opinion ko yon, pero mataas padin ang hopes ko na magiging maganda ang kalalabasan.

Ngayon, hoping na lang ako na maganda ang mga susunod na mga entries na lalabas.

May mga tsismis na ang Turkish broadcaster ay in talks sa 5 na singers kagaya ni Murat Boz, Hande Yener at Atiye. Tapos yung gumawa ng kanta ni Hadise din daw ay involved sa pag gawa nung isang kanta. Sa tingin ko, talang todo nanaman ang tira ng Turkey ngayong taon, kung totoo ang mga hakahaka.

Malamang magiging the best ang Eurovision ngayong taon. At least, kung mag apocalypse man, maganda parin ang ESC xrofl3
 

roadrunner

Member
Joined
June 4, 2011
Posts
385
Gusto siguro talagang makabawi ng Turkey ngayong taon. :) Mukha namang ok yung options na kino-contact nila eh.

At least, kung mag apocalypse man, maganda parin ang ESC xrofl3

:lol: Baka nga yan yung iniisip ng ibang mga bansa, lalo na yung mga nag-internal selection.

Na-excite ako bigla sa entry ni Anggun. Dun kasi sa mga description na nababasa ko, mukhang magugustuhan ko siya pero siyempre hihintayin ko munang mapakinggan yun. :)
 

r3gg13

Well-known member
Joined
December 23, 2010
Posts
10,261
Location
Westchester - Los Angeles
Bongga ang mga NF ngayon! Pinanood ko yung NF ng Hungary (mas moderno pero masa ang dating) at Iceland (mas class at sosyalin ang dating). Masaya naman ako sa mga resulta :)

Nagsisimula ng mag take shape ang ating paboritong palabas :D
 

roadrunner

Member
Joined
June 4, 2011
Posts
385
Oo nga, sosyalin talaga yung sa Iceland, lalo na yung venue. :D Grabe nga eh, isang araw lang tapos tatlong kanta na agad ang nalaman natin. Sayang nga lang at hindi ko napanood nang live, halos alas tres ng madaling araw kasi yata ang 20:00 CET dito eh. :(
 

r3gg13

Well-known member
Joined
December 23, 2010
Posts
10,261
Location
Westchester - Los Angeles
Yeah, satingin ko nga mga 3 ng madaling araw dyan ang 20 CET, kasi 11 ng umaga dito noon eh. Pati yung pag palakpak nung lalaking host sosyal din xrofl3.

Simula na talaga ng NF season :). Next week 2 na NF yata ang meron?

Ang best bet ko ngayon ay France, Switzerland, Iceland, Norway at Cyprus. Sa tinging ko magiging mataas ang rango nila!
 

roadrunner

Member
Joined
June 4, 2011
Posts
385
Gusto ko rin yung mga nabanggit mo. Kaso lang, marami-rami pa yung mga NF na sa Marso pa gagawin. Hintay-hintay muna. :lol: Sobrang nae-excite nga ako kasi ito ang unang taon ko na magsubaybay sa mga NF, tapos so far ay ayos naman sa akin yung mga napili na. :cool:
 

r3gg13

Well-known member
Joined
December 23, 2010
Posts
10,261
Location
Westchester - Los Angeles
Nako, super exciting talaga lalo na pag unang beses mo sinubaybayan ang mga NF. Last year yung unang taon na talagang pinanood ko ang mga NF

Excited ako sa MF at sa Festival da Canção ng Portugal.

Pano mo pala nadiscover and ESC? :D
 

roadrunner

Member
Joined
June 4, 2011
Posts
385
Medyo aksidente ko lang na na-discover ang ESC eh. :lol: Naghahanap ako dati ng mga year-end mashup sa YouTube tapos nung tiningnan ko yung listahan ng mga kantang nasa mashup, yung Satellite lang ang di ko alam. Nag-search ako ng video ng Satellite tapos unang lumabas yung music video dun sa channel ng Eurovision. Nagustuhan ko naman yung Satellite kaya tiningnan ko rin yung iba pang video sa channel na yun. Naging interesado ako bigla sa ESC at talagang ginusto ko nang subaybayan ito mula noong 2011. Noong time na yun, di ko pa alam ang tungkol sa mga NF kaya di pa ako nakapagsubaybay. :D Pagkatapos ng ESC 2011 ay biglang dumami ang nalaman ko tungkol sa contest at unti-unti na akong naging fan.
 

r3gg13

Well-known member
Joined
December 23, 2010
Posts
10,261
Location
Westchester - Los Angeles
pareho pala tayo! Askidente ko ding nadiskubre ang ESC, pero nung March 2010 ko sya na discover, nag sesearch ako ng Swedish music sa youtube, tapos biglang lumabas sa suggested videos yung "Kom" ng Timoteij, tapos dun na nagsimula ang addiction ko sa ESC :lol:. Yeah, same story, di ko padin alam yung mga NF NF, nung 2011 all out na talaga ang pagiging fan ko :lol:
 

roadrunner

Member
Joined
June 4, 2011
Posts
385
Haha, nagagawa talaga ng youtube oh :lol: Sana nga magkaroon na talaga ng Asian counterpart ang ESC eh. xcrossed
 
Top Bottom